Frequently Ask Question(FAQ)
Maaari po bang ipakuha sa iba ang mga dokumentong ni-request ko?
Opo. Basta ang kukuha ay malapit na kamag-anak na may dalang claim slip, ID ng pasyente at ng kukuha, authorization letter na pirmado o may thumb mark ng pasyente (kung di kayang magsulat).
Pwede po ba mag-request habang naka-admit pa ang pasyente?
Hindi po. Tanging certificate of confinement lamang po ang maaaring makuha habang naka-admit pa ang pasyente.
Gamit ang online request application, kailan ko po maaaring kunin ang aking requested documents?
Para sa inpatient, maaaring makuha ang requested documents 7 working days matapos ang araw ng request. Para sa OPD patients, 3 working days matapos ang araw ng request maaaring makuha ang health documents. Mula 8 am hanggang 12 nn lamang pwede i-claim ang requested documents.
Gamit ang online request application, kailan po ako maaaring mag-request ng health documents?
Lunes hanggang Linggo kasama na ang holidays ngunit gagawin lamang ito sa susunod na araw na may pasok. Nakalagay na rin sa iyong electronic receipt/claim slip ang schedule kung kalian mo ito maaaring kunin sa HIMD Window 1.